Sextortionist sa Cebu Arestado ng PNP sa Tulong ng GCash

POSTED BY: Lionell Go Macahilig
2024-07-28 15:23:39 PHT

Natunton at naaresto ng Philippine National Police Regional Anti-Cybercrime Unit 7 (PNP RACU 7) sa Cebu City ang isang nagkukubling sextortionist sa tulong ng pangunahing finance app na GCash.

Ang sextortion ay isang uri ng cybercrime kung saan tinatakot ng salarin ang biktima na ikalat nito ang maseselang photos at videos ng biktima kapalit ang salapi o di kaya ay ibang uri pabor. Ang mapapatunayang nagkasala ay haharap sa isa o higit pang criminal charges ayon sa Cybercrime Prevention Act of 2012.
Grave Coercion ang hinarap na kaso ngayon ng suspek na si John Lloyd Gabunaga at maaring makulong ng hanggang anim na taon matapos pagbantaan ang kanyang ex-girlfriend na ikakalat ang kanyang maseselang photos at videos sa social media.

Nagbabala ang GCash sa mga masasamang loob na sila ay siguradong mahuhuli, makukulong, at papatawan ng malaking multa. Hinikayat naman ng GCash ang publiko na i-report ang kahit ano mang kahina-hinalang paggalaw sa kanilang mga accounts para ito ay maakysunan ng mga awtoridad.

"Our goal here is to establish safety in cyberspace so that it can truly be financially inclusive. Our police officers are only allowed by law to take action if they receive a complaint. Thus, we encourage everyone to take action by reporting all acts of cybercrime, fraud, and scam so that perpetrators can be dealt with," says GCash VP for corporate communications Gilda Maquilan (Ang layunin natin ay maging ligtas ang cyberspace para sa lahat upang tayo ay maging ganap na financially inclusive. Ang ating mga pulis ay pinahihintulutan lamang ng batas na kumilos kung sila ay makakatanggap ng reklamo. Kaya't hinihikayat namin ang lahat na tumulong sa pamamagitan ng pag-report ng lahat ng mga gawaing cybercrime, fraud, at scam upang ang mga salarin ay mapanagot)

Samantala, patuloy naman ang paalala ng GCash sa mga users nito na mag-ingat sa paggamit ng platform. Huwag ibigay sa iba ang MPIN at OTP, kahit pa sa kamag-anak o kakilala, dahil maari itong gamitin para nakawan ang kanilang mga account. Iwasan ang pag-click ang mga links na maaring matuloy sa phishing.

Malaking tulong sa awtoridad ang pag-report sa kanila upang maaksyunan ang mga salarin. Ang mga PNP-ACG hotlines ay (02) 8414-1560 or 0998-598-8116. Puwede rin magreport sa kanilang email na acg@pnp.gov.ph

Maari din magreport sa official GCash Help Center sa https://help.gcash.com. Sa nasabing website, kausapin ang chatbot na si Gigi at i-type ang “I want to report a scam”. Maaari din tawagan ang official GCash hotline sa 2882.

Para sa karagdagang kaalaman, pumunta lamang sa https://www.gcash.com