Sextortionist sa Cebu Arestado ng PNP sa Tulong ng GCash
Natunton at naaresto ng Philippine National Police Regional Anti-Cybercrime Unit 7 (PNP RACU 7) sa Cebu City ang isang nagkukubling sextortionist sa tulong ng pangunahing finance app na GCash. Ang sextortion ay isang uri ng cybercrime kung saan tinatakot ng salarin ang biktima na ikalat nito ang maseselang photos at videos ng biktima kapalit ang salapi o di kaya ay ibang uri pabor. Ang mapapatunayang nagkasala ay haharap sa isa o higit pang criminal charges ayon sa Cybercrime Prevention Act of 2012.Grave Coercion ang hinarap na kaso ngayon ng suspek na si John Lloyd Gabunaga at maaring makulong ng hanggang anim na taon matapos pagbantaan ang kanyang ex-girlfriend na ikakalat ang kanyang maseselang photos at videos sa social media. Nagbabala ang GCash sa mga masasamang loob na sila ay siguradong mahuhuli, makukulong, at papatawan ng malaking multa. Hinikayat naman ng GCash ang publiko na i-report ang kahit ano mang kahina-hinalang paggalaw sa kanilang mga accounts para ito ay maakysun
READ MORE...